Sa buhay ng bawat tao, may dumarating na para talaga sayo. Minsan hindi mo napapansin na nadiyan na pala, minsan naman alam mong nandiyanna ...
Sa buhay ng bawat tao, may dumarating na para talaga sayo. Minsan hindi mo napapansin na nadiyan na pala, minsan naman alam mong nandiyanna pero hindi mo pinapansin. Ang gulo noh? Pero ganun talaga, maraming bagay ang hindi natin maipaliwanag at kahit gaano natin kagustong maipaliwanag, wala naman lumalabas na tamang salita para maintindihan natin kung anu ba talagang ibig sabihin ng lahat. Parang pag-ibig lang, alam mong nandiyan pero hindi mo maipaliwanag. Sinasabi mo pero hindi mo nararamdaman. Pinagmamalaki mo kahit hindi mo nakikita. Parang hindi siya nagtutugma pero kahit ganun, hindi mo pa rin mapigilan, hindi mo pa rin maiwasan. Bakit? Masarap eh! Masarap sa pakiramdam, parang ditto ka lang mapapangiti ng walang dahilan. Tulad nun nakilala kita... hindi ko naman sinasabi na hindi ako masaya sa buhay ko noon, hindi ko lang talaga inakala na mas masaya palang mabuhay, na ksama ka, tumawa at ngumiti na alam mo yung dahlia. At ikaw yun, IKAW lang... Pero alam ko, hindi sa lahat ng oras, masaya tayo. Hindi sa lahat ng pagkakataon eh nandiyan yung LOVE para pangitiin tayo. Hindi sapat ang pagmamahal lang para malimutan lahat ng problema. Pero ang galiung ni Idol, ang galling ni God, kasi kahit anung problema ang dumating, may sarili Siyang paraan para ayusin ang lahat. May mga pagkakataon na susuko na tayo pero ang galling lang kasi biglang nagiging ok lahat. Isa lang naman ang gusto ko eh, I just want you to be happy and I want to be the reason for your happiness. Pero ... Less